Ang blog na ito ay naglalaman ng iba't ibang kwento. Pag-ibig, pagdurusa at pakikipagsapalaran ng isang Juan. Hindi ko lamang ito kwento kung hindi kwento rin ng mga taong makaka-relate sa nilalaman nito. Kung na-trip-an mong basahin 'to, hindi ko sinasabing paniwalaan mo. Maari kang sumalungat o sumang-ayon. Depende sa sinasabi ng horoscope mo. Ang mahalaga sa 'kin, nagustuhan mo. Ito si Juan at ito ang kan'yang malayang kuwento.
Miyerkules, Mayo 28, 2014
No Girlfriend Since Birth (Ang buhay pag-ibig ni Eli) Panimula
Hindi kasalanan ang hindi pagkakaroon ng girlfriend/boyfriend. Hindi kasalanan ang pagiging single. Hindi kasalanan ang paging torpe. Pero bakit init na init kang magkasyota na para bang pag napatunayang isa kang single since birth ay papatawan ka ng death penalty? 'Wag mo nang sagutin dahil gusto ko lang magkaroon ng intro ang teaser na ito.
Ito siguro ang kwentong tatalakay hindi lamang sa buhay pag-ibig ng isang single since birth na si Eli kung hindi sa buhay-buhay ng isang Pinoy na mambabasa. Maaaring maka-relate at maaaring hindi. Maaaring makornihan ka (kung masyado kang malalim) o hindi (kung katulad kitang sumisinghot ng tawas sa gabi). Kung deep ka at gusto mong minsang maging mababaw, subukan mo itong basahin.
Maaaring sa nilalaman nito, magkaiba tayo ng pananaw. Maaari rin namang magtagpo ang isipan natin (kung may 3 MB memory ka ring utak kagaya 'ko). Kung di tayo magkasundo, respeto. Kung iisa ang ating kaisipan sa nilalaman, apir tayo d'yan! 'Di mo kailangang paniwalaan ang lahat ng sinasabi ko, okay?
Tama na ang satsat. Simulan na ang kwento. Singhot na!
-Toki
Hunk at Modelo
Martes, Mayo 27, 2014
No Girlfriend Since Birth (Ang buhay pag-ibig ni Eli) Chapter 1
Unang Kabalbalan
“Eh, hindi ka pa talaga nagkaka-girlfriend?”, sabay tawa ng malakas nitong babaeng ngayon ko lang din nakilala. “Baka naman------”, tapos makahulugan syang tumingin sa akin. Alam ko naman ang ibig nyang ipakahulugan sa sinabi nyang ‘yon. Na baka bakla ako? Eh kung pektusan ko kaya ito sa pancreas nya ng malaman nya kung sinong bakla ang sinasabi nya. Echusera.
Hindi naman kasarian
ang problema ko kung bakit hanggang ngayon ay ganito ang status ng lovelife ko.
Alam mo kung ano? Ang pagiging sobrang gwapo (naniniwala ako na gwapo ako
sapagkat ito’y sinabi ng aking ina mula sa pagsilang hanggang sa mga oras na
ito) at pagiging sobrang torpe ko. At isa pa, napaka “GENTLEMAN” ko kaya. Yung
tipong wala akong pakialam sa babaeng kasama ko. Hindi ako mahilig umalalay sa
kanila ‘pag kailangan nilang magpa-alalay. Hindi ako mahilig mag-insist na
buhatin ang kanilang dala-dala kahit alam kong nahihirapan na sila. Manhid,
bulag at bingi ako ‘pag may ganitong sitwasyon. Sa totoo lang naman kasi,
madami akong kakilalang “GENTLEMAN-KUNO” sa mundo. Sa simula ay nagpapakita ng
kagandahang –asal (na natutunan nila sa GMRC noong elementary at Values noong
High School) pero sa huli, ayun lugmok si babae. Nadala sa pagka
“GENTLEMAN-DAW?” ni lalaki. Napaniwala
sila na ang lalaking napili nila ay ang man-of-their-dream. Mukha lang akong
bitter pero hindi ako bitter. Alam kong malaking factor at malakas makaturn-on
sa babae ang ganitong ugali pero mas naniniwala kasi ako na kung ipapakita mo
ang tunay mong ugali at natanggap nya kung ‘yung tunay na ikaw, dun papasok ang tunay na kahulugan ng Love. Hindi ko naman sinabi na
hayaan ang babaeng gawin ang mga bagay na dapat ginagawa na nang lalaki. Mali
naman ‘yon. Dapat alam din ng lalaki kung paano magpakalalaki sa harapan ng
babae. Di ba ang dami kong alam? Papalitan ko na nga si Google, eh.
“Hoy, natulala ka na
d’yan?”, siniko niya ako. “Alam mo kung anong problema mo?”
Kumunot ang noo ko
pero hindi ako nagsalita.
“Ang weird mo kasi”,
sabay hampas. Hampas na feeling n’ya ay close kayo. “Para ka kasing may
sariling mundo”. Kasunod ang napakalakas na tawa. Teka, may nakakatawa ba sa
sinabi n’ya? “Yun lang naman ang problema mo, ngumingiti ka naman kasi pero
alam mo ‘yung maging friendly ka lang. Panalo na ang lovelife mo” Ngumiti lang
s’ya. “So, paano? Alis na muna ako, ha?”, tumayo at mabilis na umalis si (?).
Hindi ko pala naitanong ang kanyang pangalan.
HINDI KO ALAM KUNG
BAKIT NANG ARAW NA ‘YON AY BIGLA SYANG LUMAPIT SA ‘KIN. Wala akong ideya kung
anong motibo nya. Hindi naman sya mukhang killer. Naku, baka binabalak n’ya
akong rape-in dahil nakikita na n’ya rin ang aking angking kaguwapuhan. ‘Wag
po, madami pa akong pangarap sa buhay.
“Ayan ka naman.
Bumubuo ka na naman ng sarili mong mundo”, s’ya yun.
Nasa library ako.
Naglalaro ng bilangan-ng-tao-na-mabubuklat-mo-sa-libro. Uso ito. Pitikan. Kung
sino ang may pinakamaunting tao, sya ang pipitikin. At ang nakaka-awa, ang
bilang ng pitik ay dedepende sa dami ng tao sa pahinang nabuklat ng kalaban mo.
Masaya naman. Sobra. Lalo kapag tulad ko na mag-isang ginagawa ito.
“Anong ginagawa mo
dito?”, tanong n’ya.
“Naglalaba at
namamalantsa. Ang saya nga eh. Mamaya, naiisip ko nga ding magluto dito sa
library, eh”, pabiro kong sabi.
S’ya na ngayon ang
kumunot ang noo. Tapos ngumiti naman.
Napatingin sya sa mga
librong nasa harapan ko. Mga nobela. English para medyo matalino tingnan.
Syempre, yung tipo pang mga isang ruler sa kapal. Akala kasi ng iba, porke’t
ingles at nagkakapalan ang librong binabasa, may class at mas nakakatalino. Pero
anong substance ang makukuha mo sa isang librong pinilit mo lamang intindihin
dahil sabi kasi ng tister mo na ang ingles na libro ang dapat mong basahin?
Minsan pa nga, ang liit ng tingin natin sa kathang pinagpaguran ng ating
mahuhusay na mga manunulat. Sa subject na nga lang na Filipino, eh kapag
tinanong mo ang isang estudyante kung anong naging marka nya. Kapag mataas,
“Ang taas ng Filipino ah? Sabagay, Filipino lang naman ‘yan” at kapag naman
mababa “Ang baba! Sabagay, Filipino lang naman ‘yan”. Bakit laging may “LANG”? Bakit nga ba minamaliit natin ang Filipino? Ilan nga ba ang talagang mahusay sa Filipino. Kung titingnan, mas kritikal pag-aralan ang Filipino kaysa sa Ingles. Kadalasan pa nga ay mas mahusay pa tayo sa Ingles kaysa sa sarili nating wika. Sa totoo lang, hindi naman ako mahusay pagdating sa Filipino pero mahal ko ang paksang ito. Mas gusto ko 'tong pag-ukulan ng panahon na maintindihan. May kakilala nga ako pero 'di ko sasabihin ang pangalan. Ang husay n'ya at talagang iniidolo ko s'ya pagdating sa pag-iingles pero 'pag tagalog, ayun bagsak. Minsan 'pag masyado ng malalim ang ginamit mong salita, dumadanak na ang dugo mula sa kanyang ilong. Nakakatawa nga dahil kapag nagsalita ka ng malalim na Filipino, para kang biglang tinutukan ng spotlight. Lahat talaga nakatingin. Anyway, I just wanted to say that we must learn how to love our own language. Try to be more familiar with it. Learn how to not include the word "lang" when pertaining to Filipino language. Don't underestimate it. As much as possible, use Filipino language with confindence to show how proud we are as a Filipino. Just like what the slogan said "Proud to be Pinoy" (Ipinagmamalaki 'kong ako'y Pinoy). I'm so proud, 'di ba? Ganiyan ko kamahal ang Filipino. Hoh mie gawd. Har-har-har.
"Alam mo, bumabanat ka na naman ng pambasag mo!" Tumawa s'ya.
Hindi naman pambasag yung sinabi ko sa kanya. Ang hilig-hilig kasi natin na magtanong kahit alam na natin kung ano 'yung ginagawa. Katulad na lang ngayon, nagbabasa ako ng libro. Itinatanong pa niya kung ano ang ginagawa ko. Kaya tuloy sumikat ang komedyanteng si Vice Ganda. Hindi naman kasi namimilosopo si Vice. Sadya lang na ganun ang kinakalabasan. Nagiging parang sarkastiko. Sana 'pag nakikita mo na ang ginagawa nang tao, 'wag ng magtatanong. Utang na loob.
"Hindi naman kita binabasag, eh!", patuloy akong nakatitig sa librong pinipilit kong intindihin habang nakikipag-usap sa kanya.
"Hindi daw? Eh, ano sa tingin mo ang ginagawa mo?"
"Matino kong sinagot ang tanong mo. Ikaw nga 'tong hindi matinong magtanong, 'di ba?"
Basag. Three points.
"Huh? Hindi ba matino ang tanong ko?", umupo na s'ya sa tapat ko. Parang magkakaroon kami ng isang mahaba at masinsinang talakayan.
"Matino bang tanungin mo pa ako ng mga bagay na nakikita mo na?", nagsusungit ako. Ang tono ng pananalita ko ay katulad ng isang babaeng may buwanang dalaw. Hindi ko alam basta ayaw kong kinakausap ako ng ibang tao. Napaka-introvert ko. Sobra. May kaibigan ako pero bilang lang. Friendly kaya ako.
"Sungit", sabi n'ya sabay pisil sa matangos kong ilong. Nanggigil pa.
"Araaaay!", napasigaw ako. Walastik, nasa library nga pala kami. Pasimple, nagmasid ako. Ayun, lahat nakatingin na sa 'min kasama ang librarian. Nakataas ang kilay. Nararamdaman ko ang nag-aalab n'yang chakra. Yung parang kay naruto 'pag lumalabas yung halimaw sa kanyang katawan. Dahil doon, napagdesisyunan ko nang umalis pero bilang ganti, kay (ano nga bang pangalan nito?) ako bumawi ng mas masamang tingin. Tipong, mamaya-ka-sa-akin-paglabas-natin look.
"That was awesome!", may galak at excitement sa tinig n'ya. Parang any moment, magpapa-party na s'ya.
"Kasalanan mo 'to eh!"
"Ano namang ginawa ko?"
"Pisilin mo ba naman ang ilong ko, ang tangos pa naman nito", akala mo ay close tayo? Hay naku. Ni hindi ko nga alam ang pangalan mo eh.
"Sorry naman, natuwa akong pisilin ang ilong mo", tawa ng malakas ang kasunod noon.
"Puwede bang layuan mo na ako? Ni hindi ko nga alam kung sino ka ba?"
"Ay, Eli. Ako nga pala si Jane. Taga-kabilang section", inilahad n'ya 'yung kamay nya para makipagkilala.
Malaking question mark (?) ang nakikita ko ngayon. Anong dahilan bakit n'ya ako gustong makilala?
A) May pagnanasa talaga s'ya sa akin katulad ng hinala ko. Teka, bukod sa kasong rape, ano pa ba ang pwede kong ihablang kaso?
B) Killer talaga s'ya at may nais na ipapatay ako. Ang hirap talagang maging gwapo, ang daming naiinggit. Utang na loob naman po sa naghire sa'yo, NGSB ako. Ayaw ko pong mamatay ng SINGLE.
C) May gusto 'to sa akin at hindi na nakaligtas sa charm ko. Ang gwapo ko talaga. (Hay, kailan kaya may pupuri at magsasabi sa 'kin na ang pogi-pogi ko? Bukod sa nanay ko.)
"Pinagtitripan mo ba 'ko?", hindi ko inaabot yung kamay ko. Suplado ang gwapo.
S'ya na ang humila sa kamay ko.
"Arte nito. Akala mo gwapo.", shake hands kami.
Ouch! Tinamaan ang ego ko 'dun ah? Speaking of ego, isa sa mga napupuna kong malaking dahilan ng pagbe-break ng isang relasyon ay ang napakataas na EGO. Mahirap 'yang lunukin. Lalo sa lalaki. Apakan mo na ang lahat 'wag lang ang pride. Sa madaling sabi, ang kanyang pagkalalaki. Tingin ko lang, walang pinatutunguhan ang matataas at mapride na tao. Maraming naaagaw na kasiyahan ang pride. Kaya 'pag mahal mo ang isang tao, bukod sa lahat ng bagay na puwedeng ibaba, pride na muna.
"Binilin ka kasi ni Tita Marie na bantayan daw kita. So, don't assume anything."
Basag ako. Six points.
Nakakunot ang noo ko habang pinagmamasdan ko si Jane "daw". Wala naman akong pinsang Jane sa pagkakatanda ko. Wala din naman kaming family friend na "Jane".
"Paano mo nakilala ang nanay ko?"
"Hay naku, Eli. Kapit-bahay mo ako. Hello. Lagi kaya akong nagpupunta sa bahay n'yo"
Napataas ang kilay ko. Kailan kami nagkaroon ng kapit-bahay na Jane? Siguro nga kapit-bahay ko 'to. Maingay at mahilig manghimasok ng buhay ng iba.
"At kailan mo pa naging trabaho ang maging concern sa ibang tao?". Hindi ko alam kung concern ba talaga ang tamang term 'dun o pagiging tsismosa. Yung sayang-saya silang pag-usapan ang buhay ng iba.
Madaming nabubuhay na gan'yan sa mundo. Walang ibang gawin kung hindi magmagaling ng kamalian ng iba. Perpekto ang tingin ng ganitong tao sa kanilang sarili. Na mas alam nila ang tamang gagawin kaysa sa taong pinag-uusapan nila. Sabagay nga naman, mas masarap pag-usapan ang mga buhay ng ibang tao. Yung tipong ibibida mo pa ang mga pangit na mga kaganapan sa kan'yang buhay. Ang totoo naman talaga ay hindi ka concern sa kan'ya. Nasisisiyahan ka lang na nakikita ang mga kamalian n'ya. Katulad ng mga isyung showbiz. Mga isyung kinasasangkutan ng mga idolo nating mga artista. Lahat ng maaaring isyu na maaaring pag-usapan ay pag-uusapan. Halimbawa, "Chiz Anino, nagpagupit ng kan'yang buhok" na sa totoo lang ay wala namang kasense-sense pang pag-usapan. "Ang Kutis, napa-utot habang kumakanta". Duh? Kailangan pa bang isa-publiko ang ganoong mga pangyayari sa buhay nila. Normal lang naman na nagpapagupit at umu-utot ang isang tao. Bakit kailangan pang palakihin ang isyu? Tsk. Pero balita ko, sumuko na sa pulisya itong si Deniece? Naku, ako nga'y i-update n'yo. Wala kasi akong tv sa boarding house. Follow ko twitter n'yo. Follow n'yo rin ako, "@juanmanunulat". Twit-twit tayo, ha?
"Hoy, hindi ako ang nagsabing kaibiganin ka, no? `Yung nanay mo. Sabi n'ya kasi ay kakaunti lang ang ipinakikilala mong kaibigan sa kan'ya. Ilan lang din daw ang pumupunta sa bahay. Usually, pupunta `dun para gumawa ng group projects. Kailan daw ba may pupunta `dun sa in'yo na tipong para makipagkuwentuhan lang sa'yo?"
"Oh tapos? Ano pa ba ang-----"
Napatigil ako. At talaga namang tumigil ang mundo ko ng makita ko ang babaeng pinapangarap ko. Ang babaeng tinitibok ng puso ko. Ang babaeng matagal ko nang sinisilayan at nais na ligawan. Yung "The One". Kaya nga lang, torpe nga ako. Wala na lang akong ibang ginawa kung hindi ang mag-imagine na "Kami". Na mayroon akong lovestory at s'ya ang leading lady. Pero sa tingin ko, hanggang pangarap na lang ang lahat ng iyon. Hanggang nakaw- tingin na lang ang kaya kong gawin. Hay, Vickie.
Sh*t, dumaan s'ya sa harapan ko. Ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko. Yung tiyan ko, parang may mga bulateng nagwawala. Mamatay na `ata ako eh? Sh*t talaga, Ah hindi, natatae lang ako.
"Hoy, tulala ka na naman", sita sa akin ni Jane. "With matching titig ka pa kay Vickie, ah?", makahulugan na naman s'yang tumingin sa akin. Patay.
"H-hoy, k-kung ano man ang iniisip mo hindi `yan totoo", para akong baliw na nagpapaliwanag sa kan'ya kahit hindi naman dapat ipaliwanag.
"Ah suuuuus!", may halong pang-aasar yung salita n'ya. Parang kinikilig. Hindi ko alam kung bakit mas unang kinikilig ang ibang tao kaysa sa'yo? Lalo pa nga sa mga katulad kong hindi pa talaga nakakaranas magkaroon ng kasintahan (come on, kasintahan). Siguro, mas interesting na malaman ang kaganapan ng mga taong walang lovelife kaysa sa mga papalit-palit ng kanilang lovelife. Balik nga tayo sa mga kaibigan mong unang kinikilig sa buhay pag-ibig mo. Bakit nga ba sila kinikilig? Sadya lang bang susulero't sulsulera ang role ng iyong kaibigan? Kung ako ang 'yong tatanungin ay hindi kita masasagot. Tanong mo na lang sa kaibigan mo? Kasi kapag naman ikaw ang unang nasaktan bunga ng iyong lovelife, s'ya rin naman ang unang nagagalit. Quits lang. Ibig sabihin lang, tunay s'yang kaibigan. Kapag hindi na n'ya kinakamusta ang lovelife mo, naku kabahan ka na. Baka na-Nicole ka na! (Si Nicole ay isang karakter sa isang teleserye. S'ya ay isang suluterang kaibigan. 'Wag syang tularan). Kaya ang tunay na kaibigan, SULSULERA..
"Wala akong gusto sa kan'ya, ano?", pak en teyp.
"May sinabi ba 'ko na may gusto ka sa kan'ya?", ngingisi-ngisi s'ya. Yung may pang-aasar. Nakakainis. "Nahuhuli ka tuloy", tapos tawa sya ng tawa. "Oh, s'ya, dito ka na at dito na ako", itinuro n'ya yung boarding house ko at boarding house niya? "Sige, bukas na lang ulit!", nagwave na s'ya ng kamay. Hindi kaya talagang stalker ko 'to at sinusundan n'ya ako. Mas weird pa ang pangyayaring 'to sa utak na mayroon ako. At bago s'ya tuluyang makapasok sa loob, sumulyap at ngumiti muna s'ya sa 'kin, at muling nagpaalam sa pamamagitan ng pagwe-wave ng kamay. Ako, ayun ngumiti rin at di sinasadyang napaba-bye rin. Matagal bago ko narealize kung gaano ako nadala nitong ni Jane. Nag-wow yung bibig n'ya siguro dala ng pagkabigla. Tumalikod agad ako at lihim akong napangiti. Wow, ano 'yun Eli? Tsk.

Miyerkules, Mayo 21, 2014
No Girlfriend Since Birth (Ang buhay pag-ibig ni Eli) Chapter 2
Ikalawang Katangahan
Nasa higaan na ako. Katatapos ko lamang kumain ng hapunan. Binuksan ko ang cellphone kong pinaglipasan na ng panahon. May isang mensahe mula sa hindi ko kilalang numero. Binuksan ko.
"Ei, atTend kau ng ating 1st reunion! C u c:", 'yon yung laman ng message. Wala man lang time, date and place. Tsk. Malamang sa facebook, 'dun ako makaka-update.
Tamad akong sumama sa reunion. Hindi kasi nila ako ka-close. 'Di ko nga talaga alam kung natatandaan nila ako. Lagi lang pating humahantong sa pagka-O.P. ang buhay ko sa mga ganitong event. Hindi lang ako nag-e-enjoy. Minsan pa kasi, uma-attend lang yung iba para ipagmayabang ang kanilang kasalukuyang estado sa buhay. Lahat ng maaaring ipagmayabang ay ipagmamayabang. Nakakasuka lang pakinggan. At kapag katulad ko na hanggang ngayon ay patuloy pa rin na nagsusunog ng kilay samantalang yung mga classmate mo, successful na 'dun ko lalo nararamdaman na nakakatamad magpakita sa reunion.
Pero hindi lang naman paangasan ang nagaganap tuwing may reunion. Kadalasan ay kuwento ng mga pagbabalik-tanaw. Mga kuwento ng unang crush, puppy love, napatae o napaihi sa salawal, at ilang mga kuwento ng pingot at dipa moment dahil pinarusahan kayo ng matandang-dalaga n'yong guro. Mga vandalism sa pader o ukit sa arm-chair na ang nakalagay ay "Eli <3 Vickie". Mga garden moment kung saan kada hapon ay required kayong pagandahin ang garden ng section n'yo. Ang pagiging cleaner ang pinakanakakatamad sa lahat. Ang pinaka-ayaw ko ay ang pag-aapply ng floorwax sa sahig pagkatapos ay bubunutin. Ito kasi ang pinakamatrabahong gawain sa lahat. Hindi ako sumubok tumakas sa paglilinis sapagkat natatakot akong mailista sa blackboard sa ilalim ng caption na "TAKAS". Nakakahiya na, may multa ka pang floorwax.
Dahil buhay pag-ibig ko ito, i-throw back natin ang kwento ko.
Noong elementary ako, crush-crush lang uso noon 'di katulad ngayon na grade 1 pa lang, may syota na. Isa s'yang pantasya ng mga kapwa ko grade school student. Ang cute-cute n'ya na para bang manika. Maging ang mga guro noon ay labis ang paghanga sa kanya. Talentado na, mtalino pa. Kumbaga, nasa kan'ya na ang lahat. Buong eskuwelahan ay kilala s'ya. Si Veniece.
Pero hindi s'ya ang crush ko.'Yung kaibigan n'yang sobrang tapang. Si Meg. Medyo boyish s'ya umasta. Mas lalaki pa sa 'kin kumilos. Hindi ko nga alam kung bakit ko s'ya naging crush? Bakit nga ba? Kinatatakutan nga s'ya ng mga bata noon pero ako hindi.
Ah, alam ko na pala. Isang araw kasi ay may nangbully sa akin na mga grupo ng maaangas na batang ang target ay ang mga katulad kong sintu-sinto. Pinagtripan nila ako. Para akong bola sa larong jeta. Tinulak-tulak at pinagpasa-pasahan habang sila'y nakapalibot sa akin. Hanggang sa bumagsak ako at napaluhod. Tumutulo na yung luha at uhog ko. Hikbi ako ng hikbi habang sila ay tawa nang tawa. Maya-maya ay may sumigaw na batang babae. "Hoy, ano 'yan? Itigil n'yo 'yan", utos nito. Nagpulasan 'yung mga bata. Kanya-kanyang takbo. Tapos inalalayan n'ya ako sa pagtayo. Parang s'ya ang naging superhero ko ng oras na 'yon. "Okay ka lang?", sabi n'ya. Tumango lang ako habang hihikbi-hikbi. "S-salamat ha?", nahihiya ko pang sabi. Ngumiti lang s'ya. "Bata, alis na ako ha? Pag inaway ka nila ulit, magsumbong ka sa akin"
Mula noon, naging crush ko na s'ya. Lagi ko s'yang tinitingnan sa malayo. Naaalala ko ang pawis-pawisan n'yang mukha pagkatapos maglaro. Ang pagkakatali ng magulo n'yang buhok. Ang bawat detalye ng kan'yang kilos. Lahat 'yun ay mahalaga sa akin.
Naging magkaklase kami mula grade 5. Doon, naging close kami pati ni Veniece. Pero after graduation, hindi na kami nagkita. Nagpunta na silang U.S. at doon na sila tumira. Wala na talaga akong balita kung ano ang nangyari na sa kan'ya. Baka nga may syota na 'yun. 'Yun nga lang baka pareho sila ng itaas at nang ibaba. Sayang.
Syempre nang maghayskul na ako, walang nagbago sa estado ko sa buhay. Nabibilang pa din ako sa pangkat ng mga emo nang ako'y nasa first year level. Pero nung second year high school na ako, nagkaroon na ako ng kaibigan. Si Pete. Isa ring emo. Masaya naman kami 'pag magkasama. Lahat ng trip namin iisa. Libro, bahay at musika. Marunong naman akong kumanta pero hindi kasing husay n'ya. 'Yun lang masyado s'yang mahiyain kaya hindi na-e-enhance ang confidence n'ya. Pero walang kinalaman si Pete sa kwento ng buhay pag-ibig ko. Gusto ko lamang malaman n'yo na may kaibigan pala ako.
Sa level na 'yan nang aking kabataan una kong naramdaman ang kilig. Tae, kinikilig ang mga lalaki. Di nga lang showy at walang pisikalang nagaganap.
Valentine's day. Uso ang bigayan ng mga pusong may dedication. Lumapit sa akin si Eunice, crush ko noong high school. Maya-maya'y may iniabot s'ya sa akin. Valentine's day card. Grabe nang iniabot n'ya 'yon, parang nagslow motion ang lahat ng bagay tapos may hangin effect. Parang movie. Ngumiti pa s'ya ng pagkatamis-tamis. "Eli, happy valentine's day!". Pak-pak ng manok. Ang saya! Nang basahin ko, ito ang nakasulat.
DeAr Eli,
Hapi VaLeNtiNes Day! Tnx 4 eveRytiNg!
LoVe Lots,
yUniZ
Naging maganda ang maghapon ko dahil sa card na 'yon pero agad ding naglaho ng aksidente kong makita ang valentine's card ni Pete mula kay Eunice. Mas malaki kumpara sa ibinigay n'ya sa akin. Mas mahaba ang mensahe at nagtapat pa ang loka. Mahal n'ya daw si Pete dahil sa maganda itong kumanta. Pu-sit, maganda lang kumanta mahal na agad. Ang babaw. Mula noon, hindi ko na pinansin si Eunice kasi hindi n'ya rin naman ako pansin eh. Kami ni Pete, bestfriend kami. Walang nabago at nagpatulong pa akong maging mas magaling kumanta pero pwe, hindi para kay Eunice. Asa s'ya. Sa gwapo kong 'to, hahabol sa kan'ya. Lelang n'ya.
Ilang araw din ang lumipas at nakalimutan ko na ang nararamdaman ko kay Eunice. Hindi muna ako nagkaroon ng crush. Itinigil ko muna. Para kasi itong alak na kapag tumatagal, tumitindi ang tama. Nagfocus muna akong mag-aral.
Para sa akin, hindi naman masama ang magkaroon ng mga crush-crush basta hindi nakakalimutan ang kanilang responsibilidad sa buhay. Ang pag-aaral. Hoy totoy, hindi ka binibigyan ng magulang mo ng baon araw-araw para ipangdate mo lang. May paproject-project ka pang nalalaman. Saka ka na muna makipagdate kapag mismong sa'yo na manggagaling ang pang-date mo.
At ikaw nene, parang awa mo na. Ang kalandian, mahirap lunasan 'yan pero isipin mo na lang ang magulang mo na todo-kayod para lamang mabigyan ka ng magandang buhay. Nakikiuso ka pa sa mga naglalakihan ang tiyan. Utang na loob naman, bago ibigay ang ano at makipagchukchakan, isipin muna ng isang libong beses ng edad mo. 'Wag padala kay totoy na para mapatunayang mahal mo "daw" s'ya ay ibibigay mo ang nag-iisang bandila. Kung mahal ka talaga ni totoy, puso mo ang kailangan n'ya at hindi ang isang "pu" (Parental Guidance is recommend). Kaya kayong dalawa bago bumuo ng pamilya, itanong muna sa sarili kung kaya n'yo na bang bumuhay at mamumuhay ng may sariling pamilya. Kasi kung hindi pa, pigilan muna ang kakatihan at mag-aral muna. At hoy totoy, magpatuli ka pati muna. Girlfriend ka ng girlfriend, supot ka pa pala. Boom supot!
Speaking of tuli. Lahat ng lalaki dumadaan dito. Bawal kasi sa ating mga Pinoy ang supot. Hindi naman talaga nakatala sa libro ng mga batas ng Pilipinas na ang mga Filipino ay kailangan magpatuli pero dahil likas na alaskador ang mga Pinoy at ayaw masabihang supot kaya parang nagiging requirements.
Hindi kami mayaman kaya hindi ako nagpatuli sa isang duktor. Sa isang magtutuli sa aming lugar ako nagpatuli. Kay Ka-Kiko (hindi tunay na pangalan). Dalawang pukpok lang yung sa akin noon. Buti nga ay hindi ako hinimatay kasi, tae yung assistant ni Ka-kiko, matindi magdescribe. Hindi ko na din idedetalye ang mga kaganapan. Mahirap na at baka makapag-isip ka pang magpatayo ng business ng pagtutuli. Bukod doon, rated SPG 'yon. Nakakashock.
Third year high school na ako ng naisipan ko uling lumandi. Hindi, crush din lang. Medyo boyish din s'ya. Hindi ko alam kung bakit attracted ako sa ganoong klase ng babae. Siguro dahil mas astig sila. Mas matapang. Mas may paninindigan. S'ya si Kylie.
Pero sa kasamaang palad, gusto n'ya ay gusto ko din. Nauna pa s'yang nagkagirlfriend sa akin. Pesteng lovestory 'to.
Marami na akong nagagawang kwento. Kalimitan ay kwentong pag-ibig. Nakakalikha ako ng iba't ibang lovestory pero ang sarili kong lovestory ay hindi ko mabuo. Paulit-ulit na lang ang nagaganap. Manliligaw palang pero bumabagsak sa pagkabasted. Siguro, talagang hindi nila kinaya ang pagiging gwapo ko. Baka kasi natatakot silang magkaroon ng maraming kaagaw. Pero sa tingin ko'y mas mahirap mangarap na may lovestoryng nagaganap sa buhay ko. Chos! Ang dami kong drama. Nakakakilabot.
Kaysa isipin ko ay ang letseng lovelife na 'yan, pag-iisipan ko muna ang maaari kong idahilan kung sakaling hindi ako pupunta reunion. Bahala na siguro. 'Pag naisipan kong pumunta, pupunta ako. Pupunta ako.
.....
Martes, Mayo 13, 2014
No Girlfriend Since Birth (Ang buhay pag-ibig ni Eli) Chapter 3
Ikatlong Kapalpakan
Maaga akong pumasok ng unibersidad para magreview. Last semester na ito. Kailangang magpursigi sa pag-aaral para makagraduate at para makakuha ng magandang trabaho. Patapos na rin naman ang thesis namin ni Pete. Oo, magkaklase pa din kami ni Pete. Iniisip ko nga, baka kami ang meant for each other ni Pete. Yuck! Nakakasukang pakinggan.
Magkikita kami ni Pete ngayon. Ilang araw din kasing hindi ito umattend ng klase dahil nagtatapos ng thesis namin. Sa kan'ya kasi ang last part ng documentation. Naku po, sana lang ay 'wag magpakita si Jane.
Naghanap ako ng maaaring pagpuwestuhan.
"Hoy Eli! Dito!", pamilyar ang boses na 'yon. Si Jane. Naroon s'ya sa isang bench at kumakaway. Ako malamang ang tinatawag n'ya. Ako lang siguro ang Eli na kilala n'ya.
Tumalikod ako at nagtangkang umalis pero sa tingin ko ay susundan n'ya ako.
"Hoy, Eli. Ano ba? Tinatawag kita, ah?", sabi n'ya sa 'kin. Habol hininga pa s'ya. Halatang tumakbo. "Tae naman 'to, eh"
"Eh sino bang may sabi sa'yo na habulin mo ako?"
"Hoy, hindi ko gustong habulin ka pero may pinasasabi si Pete sa'yo!"
Ha? Kilala n'ya rin si Pete? Teka, sino pa ang kilala n'yang kakilala ko? Pusa, masyado na 'tong maraming alam sa buhay ko ah?
"Kung nagtataka ka kung paano ko nakilala si Pete, kaibigan ko rin s'ya"
"Bakit wala s'yang nababanggit sa akin na may kaibigan pala s'yang sobrang pakialam at madaldal?"
"Eh bakit naman n'ya ako ikukwento? Hindi ka naman nagtatanong, ah?", sabi n'ya sa akin. "Sabi kasi ni Vince, ako na lang daw tumulong sa'yo sa pagreview at saka, may sasabihin rin ako sa'yo eh". Ngisi.
"...", nakatitig lang ako sa kanya habang iniintay ang sasabihin "daw" n'ya.
"So ganito 'yan. Napansin ko kasi na mukhang gusto mo si Vickie. At naisip ko, bakit hindi mo s'ya ligawan?"
What the ....? Eh kung itinutumba ko na lang kaya 'to ng matigil. Sobra-sobra na ang panghihimasok n'ya sa buhay ko. S'ya na lang kaya ang manligaw kay Vickie?
Ang panliligaw ang phobia ko. Takot na takot akong magsabing gusto kong ligawan ang isang babae. Una, dahil takot akong mareject at ikalawa, sobra-sobra na akong nareject. Nakakaumay na.
Hindi talaga ako marunong manligaw. Kung ano ang prosesong nagaganap dito ay hindi ko din alam. Ni hindi nga ako marunong magpakilig ng babae, eh. Parang isang palaisipan pa sa akin kung paanong ang ilang lalaki na hindi naman talaga kagwapuhan nakakapagpapasagot ng isang babae. Talkies lang daw 'yon. Eh, paano 'yan, masyado akong diretso? Hindi ko alam kung paano mang-talkies at sabihin lamang ang nais marinig ng isang babae. Siguro, banda-banda d'yan ay matutunan ko rin ito.
"Ha?", yun lang nasabi ko.
"Anong ha? May kilig kaya akong nararamdaman sa inyong dal'wa"
Kilig ng sapat.
"Tss. P'wede bang tigil-tigilan mo ako sa mga naiisip mo", pa-suplado ng kaunti.
"Basta, isu-sure kong magkakaroon ka ng lovelife", tapos kinindatan n'ya ako. Tsk. Akala mo nakakatuwa ka. Hindi kaya? Pero teka, parang may sumundot sa dibdib ko. Ano 'yon?
Sa ganoong tagpo, nakita ko ang aking sarili na nakatulala. Tapos, naririnig ko na 'yung kalabog ng dibdib ko. Ano ba talaga 'to? Parang unti-unti, gumaganda s'ya sa paningin ko. Takte. Ha? Ano 'yon?
Speaking of maganda, paano ba natin ide-define ang salitang 'to? Sabi ng panalong linya kapag tinatanong ang salitang 'to, "Beauty is in the eye of the beholder". Tama! Nasa sa'yo 'yan kung paano ka magiging maganda. Hindi lang naman 'yan pisikal na aspeto lang. Mas'yadong malawak ang salitang kagandahan. Hindi p'wedeng maganda ka dahil maputi ka o makinis ka o kissable lips ka. Maraming maputi pero 'di naman kayang dalhin. Maraming makinis pero 'di kayang dalhin. Maraming kissable lips pero 'di kayang dalhin. Depende talaga 'yan sa pagdadala. Kung iniisip mong magpa-punchline ako sa talatang ito, wala akong maisip eh. Ang hirap magpaka-komedyante.
Maghapon ang dumaan pero wala naman nangyaring kakaiba sa akin maliban sa insidente ng pangingi-alam sa buhay pag-ibig ko nitong si Jane.
"Hello!", hindi si Jane. Hindi rin si Pete. Foot spa. Si Vickie. Oo, si Vickie.
Hindi ko alam kung an'yare sa mundo. May gas, naghello sa akin si Vickie. Is it real? Yes, it is. Hindi ko alam kung anong itsura ng mukha ko habang nakatingin ako sa kan'ya. Malamang, pang-epikong katangahan.
"..sasabihin ka daw?", yun yung huling narinig ko mula sa napakagandang mga labi n'ya. Sheet. Nakakabingi ba talaga kapag kinakausap ka ng taong matagal mo ng gusto? Text NGSB <space> Yes or Text NGSB <space> No sa 123 para sa Ismart, Towk eyn Teks and San Selular at 1234 sa Glowb and Ti-Em.
Uso ngayon 'yan. Yung poll surveys through cellular phone. Biruin mo, 2.50 per text ang nakakaltas sa'yo. Kunwari, may cash prize. Pero ang totoo, business 'yan. Kaya 'wag magpauto! Except po dito sa poll survey na nasa taas. Exempted to. Seryoso.
Sabi ng pick-up line ni Balagtas, ang love daw ay kayang humamak masunod mo lamang. Sabi naman ni Nina, it moves in mysterious way. Sabi ni Shakespere, Love looks not with the eyes, but with the
mind (Mid summer night. Kunwari, matalino at palabasa ako ng malalalim na libro. Ang totoo, IG lang 'yan!). Sabi ni Juan patungkol sa love, ito ay pagiging masaya kahit nahihirapan ka. Tae, deep! Kanya-kanya tayo ng definition about pagmamahal. Hindi 'yan kayang ipaliwanag ng wikipedia, o mahanap ni google. Na sa iyo 'yan. Fill in the blank. Ang pag-ibig ay ______________________. Yeah, deep!
"Ah-eh-ah", tetra pack anong sasabihin ko? Napapakunot na ng noo si Vickie at halatang nag-iintay sa sasabihin ko. Arg.
"Kung gusto mo daw magreview kasama s'ya?", kilala n'yo na kung sino s'ya. Si Jane.
"Ah, sure!", mabilis na sagot ni Vickie. "Ah Jane, thank you nga pala kahapon dun sa libro. Nakatulong s'ya sa research paper ko!"
"What friends are for!", sabay tawa. Ang dami naman nitong kakilala. Iba talaga kapag pakialamera sa buhay, nagiging mukhang friendly.
Tumingin na sa akin si Jane. Yung hoy-ano-ba-wala-ka-bang-gagawing-move look. Sinisiko-siko na n'ya ako.
"Sige, Eli--Vickie una na akong umuwi sa in'yo!", tapos nag-Aja pa si Jane sa akin.
Kabog ng dibdib.
Anong sasabihin ko?
"T-tara!", yun lang ang lumabas sa bibig ko. Wala, Torpe. Isa akong torpe na wala ng ginawa kung hindi umasa na magkakaroon ako ng isang magandang love life. At ngayon, yung pag-asa ay nagsisimula nang mabuo, tara lang nahihirapan pa akong banggitin sa kan'ya. Ang hirap talaga pag super duper mega ultra crush mo ang isang tao. Lalo kang nagiging torpe. Bakit ba kasi ipinanganak pa akong torpe.
"Pasensya na. Kung ako ay, di nagsasalita", napakanta ako ng Torpedo (by Eraserheads) Malakas 'ata. Napatingin sa akin si Vickie. Napatingin ako sa kan'ya. Natawa s'ya. Nag-init ang mukha ko...sa kahihiyan. Epic.
Maya-maya, narinig kong parang may sinasabi si Vickie.
"..yoko ng Torpe! Ayoko ng torpe!.", narinig kong kumakanta s'ya. Torpe (by Barbie Almabis). Tapos nag-pause s'ya. Tumingin muna s'ya muli sa akin. Ngumiti. "...pero----", may dumaang motorsiklo ng isang estudyante. Yung maingay na motorsiklo. "..ita"
Ha? Ano daw? Putik, hindi ko narinig. Gusto ko sanang itanong kung ano 'yong sinabi n'ya. Nahiya ako. Yun kaya yung next line sa kantang Torpe. Sheet, natatae ako kung 'yon man. Ah, sige itatanong ko na nga lang.
"Ah, Vickie. May sinasabi ka ba kanina?", malapit na kaming makarating sa library.
"Yun ba?", ngumiti ulit s'ya. "---", nagstart na s'yang magsalita. Dumaan ulit yung maingay na motorsiklo.
Epic.
Wala ng ulitan.
Ngumiti s'ya. Ngumiti ako.
Wala ng ulitan.
Huwebes, Mayo 1, 2014
No Girlfriend Since Birth (Ang buhay pag-ibig ni Eli) Chapter 4
Ika-apat na Sablay
“Marunong ka palang kumanta?”, sabi n’ya sa akin. Hindi ko alam kung totoo ba yung naganap kanina. Yung kumanta s’ya ng Torpe ni Barbie Almabis o sadya lamang na malikot ang imahinasyon ko at hindi ko na malaman ang pagkakaiba ng realidad at pantasya.
Nasa harapan na kami ng library pero parang wala sa isa sa amin ang gustong pumasok sa loob. Tigil ang mundo para sa akin. Hindi ko alam sa kan’ya? Mabubuhay na lamang ba ako sa sarili kong pantasya? Hindi na!
“Pasok na tayo?”, ‘aya ko sa kan’ya. Pinagbuksan n’ya ako ng pinto. Taena, sablay na naman. Bakit ba hindi nagiging automatic na ako ang magbukas ng pinto kapag may kasama akong babae? Hindi ba ako naka-attend ng GMRC at Values nung nag-aaral ako ng elementary at high school.
“S-salamat!”, sabi ko naman sa kan’ya. Naku po, aasahan kong turn-off na agad ang status ko sa kan’ya.
Nasa loob na kami ng library. Naghanap muna kami ng mapupwestuhan. Maunti ang tao sa library, lagi! Hindi naman kasi talaga mahilig magpunta ang mga estudyante sa loob ng library ng eskuwelahan. Ilan lang. usually, mga taong semi-weird gaya ko. Yung iba, mga top students na kumakain ng bawat pahina ng libro. Yung iba, tatambay dahil malamig sa loob ng library (depende kung may air conditioner sa loob). Yung iba, natutulog dahil akala nila ay hotel ang library. Pero ako (dahil ako ang bida ng kwento kaya ako lang ang magaling), nagpupunta ako ng library dahil nagbabasa ako ng libro, artikulo at kung anik-anik na maaring mabasa. Bukod doon, tambayan kasi ito ni Vickie. Lagi s’ya dito dahil isa s’yang student assistant. Natututo ka na, nakasilay ka pa! Landi 101.
“Oh, Vickie!”, yung librarian. Nagulat. “Akala ko hindi ka pupunta ngayon? Hindi mo schedule ngayon, di ba?”
“Ma’am, hindi po. Magrereview po sana kami”, tinuro nya ako.
“Ay, ganun ba? Magpapatulong na sana ako. Hindi kasi pumasok si Lileth kaya wala akong katulong ngayon dito” Yung tono nung librarian, talagang paawa effect. Tumingin ako kay Vickie, mukhang naaawa. Sheet. Mukhang nangagamoy purnada ang review-review-han namin nito.
Matagal nag-isip si Vickie. Tapos ayun, lumabas ang salitang “Sige po!” sa kanyang bibig. Yown, purnada talaga ang aking masasayang sandali. Tumingin sa akin si Vickie.
“Eli, sorry ha? Mukhang hindi kita masasamahan sa pagrereview. Siguro, next time na lang.”, Nga-nga ako dun ah?
“Ah, ganun ba?”, takteng buhay ‘to. Sa dinami-dami ng mga araw ng pwedeng hindi pumasok yung Lileth, ngayon pa? Badtrip. “Pero, pwede naman akong tumulong sa’yo!”, parang biglang pumasok sa isipan ko ang ideyang iyon. Wow, salamat at gumana ang dual core kung utak ngayon.
“S-sigurado ka?”, nakangiti s’ya. Kinikilig ang mga bulate ko sa tiyan.
“Oo naman. Bakit hindi?”, tapos ibinaba na namin yung bag namin.
“Mabuti at tutulong sa’yo itong boyfriend mo.”, sabi nung librarian. Wow, ang sarap pakinggan. Paulit pa nga po?
Natawa lang si Vickie pero hindi nagsalita.
“Naku, hindi n’ya po ako boyfriend”, lakas ko makatanggi ano?
“Ah, hindi pa ba?”, yun yung matindi doon. Lalong natawa si Vickie. Natawa ako. Natawa yung librarian. Hindi na siguro ako nito tanda. Sa ngayon, wala na akong nararamdamang pulang chakra sa kan’yang katawan. Good mood.
“Tara, Eli. Sige po ma’am”, paalam n’ya sa guro.
Nagpunta na kami sa isang table na puno ng mga libro.
“Eli, ilalagay lang natin ito sa shelf according sa categories. Okay?”, ngiti lang.
Tumango ako. Mukhang masaya ‘to. Biruin mo, magkasama na talaga kami ni Vickie. Yung parang sa movies na ang setting ay sa library. Nagtatawanan. Halatang mga inlove sa isa’t isa. Ganun sana.
Sabay naming dinampot ang isang libro. Sa hindi sinasadyang pagkakataon, nagkalapit ang aming mga kamay. Matagal. Parang may kung anong enerhiya na dumaloy sa buo kong pagkatao ng magdampi ang balat ko sa balat n’ya. Pakiramdam ko ay muling tumigil ang mundo ko nang mga oras na ‘yon. Walang tao sa paligid namin, at tanging kami lang ang nakikita ko. Sa mga oras ding iyon, tanging tibok ng puso ko ang naririning ko. May musika pero parang kami lang ang nakakarinig. Kaba. Excitement. At ang OA ng description ko sa limang segundo moment ng mga kamay namin ni Vickie.
Dagli din naming inawat ang aming mga kamay sa paglandi. Dagli ko ding inawat ang aking sarili sa pag-iisip ng ka-OA-ng naganap kanina. Nagkatinginan muna kami at tila nagkaroon ng hiyang damputing muli ang libro na pinag-aagawan namin kanina. Ako na ang kumuha ng libro.
“Saan ba natin ‘to ilalagay?”, basag ko sa namamayaning katahimikan sa pagitan naming dal’wa.
“Dito ‘yan!”, tila may pang-i-ilang sa kan’yang mga tinig.
“Sorry kanina.”, yung yung nasabi ko.
Natigilan s’ya. “Sorry saan?”
“’Dun sa kaninang…”, kumunoot ang noo n’ya. Nagka-amnesia.
“Doon ba? Wala ‘yon. Hindi ka dapat humingi ng sorry.” Bakit nga ba ako nagso-sorry eh wala naman talaga akong ginawang masama. Baka nga sinadya n’yang gawin ‘yun eh. Tapos kunwari, nagkalapit ang mga kamay namin ng hindi sinasadya.
Matagal din kaming nag-ayos ng mga librong ginamit ng mga estudyante. Tumulong na din ako sa kan’ya sa paglilinis sa loob ng library. Hindi ako nagsisisi na tinulungan ko siya sa pag-aayos. Hindi ko alam kung pogi points ito sa kan’ya. Basta ang alam ko, masaya ang naganap sa araw na ‘to. Pero hindi ako nag-a-assume sa kan’ya na may gusto rin s’ya sa akin. Hindi talaga. Hindi. O sige na nga, slightly lang. pinakikilig ko lang ang sarili ko ng kaunti para naman ganahan akong mag-aral.
Maraming beses na kasi akong nag-assume na may gusto ang isang babae sa akin kapag ginagawan nila ako ng maganda pero ang nagiging ending, friendzone. Kaya nga minsan, ayaw ko ng maniwala sa ipinapakitang kabaitan ng crush ko sa akin. Isa lang naman ang masasabi ko sa mga babaeng nagbibigay ng hindi sinasadyang motibo sa lalaki. Kung alam n’yo nang crush n’ya kayo, ‘wag n’yo ng bigyan ng false hope. Kung inaaya kayong lumabas (meaning date), ‘wag kang sumama. Kung may ibinigay s’ya sayo, tanggapin pero sabihing hanggang magkaibigan lang kayo. Kung nangungulit, iwasan. Magdala ng baril kung kinakailangan. Kapag hindi tumigil, problema na ‘yon ng lalaki. Pero ‘wag na ‘wag paniwalain ang lalaking may gusto ka din sa kan’ya. Lalo lang kasing lumalaki ang problema.
“Salamat, ha?”, si Vickie. Parang nahihiya sa akin. “Naabala pa kasi kita!”
Kasalukuyan na kaming naglalakad papalabas ng gate of success ng aming unibersidad. Medyo madilim na din ang paligid. Kakaunti na lang din ang mga estudyanteng naroroon.
“Wala ‘yon. B-basta ikaw!”, tama kaya ang sinabi ko.
Katahimikan.
Nakarating na kami sa labasan. Nag-aabang ng masasakyan n’ya. Magkaiba kami ng way papauwi kaya magkaiba di ang sasakyan namin.
“Uy, kunin ko ang number mo.”, sabi n’ya. Tae talaga ako, s’ya pa talaga ang inantay kong manghingi ng cellphone number. Arg! Bakit ko ba naman kasi sinalo lahat ng katorpehan sa mundo. Nakakainis.
Idinial ko yung number ko sa cellphone n’ya. Sinave n’ya.
Katahimikan.
Dumating na ang jeep na sasakyan n’ya. Wala pa din akong nasasabi sa kan’ya. May gas!
“So paano, una na ako. Salamat ulit!”.
“S-sige, ba-bye.”, tapos sumakay na si Vickie. Unti-unti nang umandar ang sasakyan. Last chance ko na ‘to. Kailangan may gawin ako. Ayaw kong hanggang dito na lang ang ending ng kwento ko kay Vickie. Nahihirapan na ang writer na magdadag na naman ng panibagong character sa kwento ko. Ilang dipa na din ang layo ng jeep na sinasakyan ni Vickie.
“VICKIE. P’WEDE KA BA BUKAS? YAYAYAIN SANA KITANG LUMABAS!”, sigaw ‘yon. Hindi ko alam kung saang lupalop ng mundo ko nakuha ang lakas ng loob na ‘yon. Hindi ko alam kung narinig ako ni Vickie. Nakatingin lahat sa akin. Ang tao na nag-aantay ng mga jeep. Ang mga tricycle driver. Ang mga teachers na pauwi na sa kani-kanilang bahay. Ang tambay na bumibili ng yosi sa tindahan at ang tindera ng tindahan. Ang barker ng jeep. Ang mga kasakay na mga tao sa jeep kung saan lulan si Vickie. Maging si Vickie. Nakangiti lang. Umiiling. Tapos tumalikod na s’ya.
Lungkot ang naramdaman ko. Pakiramdam ko, wala na akong mukha para humarap sa mga taong nakarinig ng pag-aaya ko sa bababeng aking sinisinta. Masakit sapagkat naramdaman ko ang rejection. Rejection na naman. Nakatingin ang mga taong binanggit ko kanina na nagulat sa pagsigaw ko. Nakatungo na lang ako.
Nagvibrate ang cellphone ko.
Kinuha ko ‘yon sa bulsa ko. Tiningnan kung sino ang nagmessage.
Unregistered number.
Binasa ko.
“Tnx 4 helping me.. dun sa alok mo kanina, Y not? -Vickie”
Natulala ako. Sheet. Pumayag si Vickie.
Binasa ko muli yung message. Kay Vickie talaga. Ang saya nang pakiramdam ko. Sobra. Parang gusto kong magtatalon sa tuwa. Parang gusto kong sumayaw. Grabe. Ganito pala ang pakiramdam ng na-appreciate ang munti mong effort. Kilig ng kaunti.
Agad akong nag-compose ng message.
“Salamat din. Sobra kong saya. See you tomorrow. Ingat ka!”, pinindot ko agad ang send. Excited na ako para bukas. First date ng buhay ko. Inabangan kong mag-message sent pero packaging tape, Failed.
Wala pala akong load. Wala akong load. Wala akong load.
Hindi nagsend.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)