Unang Kabalbalan
“Eh, hindi ka pa talaga nagkaka-girlfriend?”, sabay tawa ng malakas nitong babaeng ngayon ko lang din nakilala. “Baka naman------”, tapos makahulugan syang tumingin sa akin. Alam ko naman ang ibig nyang ipakahulugan sa sinabi nyang ‘yon. Na baka bakla ako? Eh kung pektusan ko kaya ito sa pancreas nya ng malaman nya kung sinong bakla ang sinasabi nya. Echusera.
Hindi naman kasarian
ang problema ko kung bakit hanggang ngayon ay ganito ang status ng lovelife ko.
Alam mo kung ano? Ang pagiging sobrang gwapo (naniniwala ako na gwapo ako
sapagkat ito’y sinabi ng aking ina mula sa pagsilang hanggang sa mga oras na
ito) at pagiging sobrang torpe ko. At isa pa, napaka “GENTLEMAN” ko kaya. Yung
tipong wala akong pakialam sa babaeng kasama ko. Hindi ako mahilig umalalay sa
kanila ‘pag kailangan nilang magpa-alalay. Hindi ako mahilig mag-insist na
buhatin ang kanilang dala-dala kahit alam kong nahihirapan na sila. Manhid,
bulag at bingi ako ‘pag may ganitong sitwasyon. Sa totoo lang naman kasi,
madami akong kakilalang “GENTLEMAN-KUNO” sa mundo. Sa simula ay nagpapakita ng
kagandahang –asal (na natutunan nila sa GMRC noong elementary at Values noong
High School) pero sa huli, ayun lugmok si babae. Nadala sa pagka
“GENTLEMAN-DAW?” ni lalaki. Napaniwala
sila na ang lalaking napili nila ay ang man-of-their-dream. Mukha lang akong
bitter pero hindi ako bitter. Alam kong malaking factor at malakas makaturn-on
sa babae ang ganitong ugali pero mas naniniwala kasi ako na kung ipapakita mo
ang tunay mong ugali at natanggap nya kung ‘yung tunay na ikaw, dun papasok ang tunay na kahulugan ng Love. Hindi ko naman sinabi na
hayaan ang babaeng gawin ang mga bagay na dapat ginagawa na nang lalaki. Mali
naman ‘yon. Dapat alam din ng lalaki kung paano magpakalalaki sa harapan ng
babae. Di ba ang dami kong alam? Papalitan ko na nga si Google, eh.
“Hoy, natulala ka na
d’yan?”, siniko niya ako. “Alam mo kung anong problema mo?”
Kumunot ang noo ko
pero hindi ako nagsalita.
“Ang weird mo kasi”,
sabay hampas. Hampas na feeling n’ya ay close kayo. “Para ka kasing may
sariling mundo”. Kasunod ang napakalakas na tawa. Teka, may nakakatawa ba sa
sinabi n’ya? “Yun lang naman ang problema mo, ngumingiti ka naman kasi pero
alam mo ‘yung maging friendly ka lang. Panalo na ang lovelife mo” Ngumiti lang
s’ya. “So, paano? Alis na muna ako, ha?”, tumayo at mabilis na umalis si (?).
Hindi ko pala naitanong ang kanyang pangalan.
HINDI KO ALAM KUNG
BAKIT NANG ARAW NA ‘YON AY BIGLA SYANG LUMAPIT SA ‘KIN. Wala akong ideya kung
anong motibo nya. Hindi naman sya mukhang killer. Naku, baka binabalak n’ya
akong rape-in dahil nakikita na n’ya rin ang aking angking kaguwapuhan. ‘Wag
po, madami pa akong pangarap sa buhay.
“Ayan ka naman.
Bumubuo ka na naman ng sarili mong mundo”, s’ya yun.
Nasa library ako.
Naglalaro ng bilangan-ng-tao-na-mabubuklat-mo-sa-libro. Uso ito. Pitikan. Kung
sino ang may pinakamaunting tao, sya ang pipitikin. At ang nakaka-awa, ang
bilang ng pitik ay dedepende sa dami ng tao sa pahinang nabuklat ng kalaban mo.
Masaya naman. Sobra. Lalo kapag tulad ko na mag-isang ginagawa ito.
“Anong ginagawa mo
dito?”, tanong n’ya.
“Naglalaba at
namamalantsa. Ang saya nga eh. Mamaya, naiisip ko nga ding magluto dito sa
library, eh”, pabiro kong sabi.
S’ya na ngayon ang
kumunot ang noo. Tapos ngumiti naman.
Napatingin sya sa mga
librong nasa harapan ko. Mga nobela. English para medyo matalino tingnan.
Syempre, yung tipo pang mga isang ruler sa kapal. Akala kasi ng iba, porke’t
ingles at nagkakapalan ang librong binabasa, may class at mas nakakatalino. Pero
anong substance ang makukuha mo sa isang librong pinilit mo lamang intindihin
dahil sabi kasi ng tister mo na ang ingles na libro ang dapat mong basahin?
Minsan pa nga, ang liit ng tingin natin sa kathang pinagpaguran ng ating
mahuhusay na mga manunulat. Sa subject na nga lang na Filipino, eh kapag
tinanong mo ang isang estudyante kung anong naging marka nya. Kapag mataas,
“Ang taas ng Filipino ah? Sabagay, Filipino lang naman ‘yan” at kapag naman
mababa “Ang baba! Sabagay, Filipino lang naman ‘yan”. Bakit laging may “LANG”? Bakit nga ba minamaliit natin ang Filipino? Ilan nga ba ang talagang mahusay sa Filipino. Kung titingnan, mas kritikal pag-aralan ang Filipino kaysa sa Ingles. Kadalasan pa nga ay mas mahusay pa tayo sa Ingles kaysa sa sarili nating wika. Sa totoo lang, hindi naman ako mahusay pagdating sa Filipino pero mahal ko ang paksang ito. Mas gusto ko 'tong pag-ukulan ng panahon na maintindihan. May kakilala nga ako pero 'di ko sasabihin ang pangalan. Ang husay n'ya at talagang iniidolo ko s'ya pagdating sa pag-iingles pero 'pag tagalog, ayun bagsak. Minsan 'pag masyado ng malalim ang ginamit mong salita, dumadanak na ang dugo mula sa kanyang ilong. Nakakatawa nga dahil kapag nagsalita ka ng malalim na Filipino, para kang biglang tinutukan ng spotlight. Lahat talaga nakatingin. Anyway, I just wanted to say that we must learn how to love our own language. Try to be more familiar with it. Learn how to not include the word "lang" when pertaining to Filipino language. Don't underestimate it. As much as possible, use Filipino language with confindence to show how proud we are as a Filipino. Just like what the slogan said "Proud to be Pinoy" (Ipinagmamalaki 'kong ako'y Pinoy). I'm so proud, 'di ba? Ganiyan ko kamahal ang Filipino. Hoh mie gawd. Har-har-har.
"Alam mo, bumabanat ka na naman ng pambasag mo!" Tumawa s'ya.
Hindi naman pambasag yung sinabi ko sa kanya. Ang hilig-hilig kasi natin na magtanong kahit alam na natin kung ano 'yung ginagawa. Katulad na lang ngayon, nagbabasa ako ng libro. Itinatanong pa niya kung ano ang ginagawa ko. Kaya tuloy sumikat ang komedyanteng si Vice Ganda. Hindi naman kasi namimilosopo si Vice. Sadya lang na ganun ang kinakalabasan. Nagiging parang sarkastiko. Sana 'pag nakikita mo na ang ginagawa nang tao, 'wag ng magtatanong. Utang na loob.
"Hindi naman kita binabasag, eh!", patuloy akong nakatitig sa librong pinipilit kong intindihin habang nakikipag-usap sa kanya.
"Hindi daw? Eh, ano sa tingin mo ang ginagawa mo?"
"Matino kong sinagot ang tanong mo. Ikaw nga 'tong hindi matinong magtanong, 'di ba?"
Basag. Three points.
"Huh? Hindi ba matino ang tanong ko?", umupo na s'ya sa tapat ko. Parang magkakaroon kami ng isang mahaba at masinsinang talakayan.
"Matino bang tanungin mo pa ako ng mga bagay na nakikita mo na?", nagsusungit ako. Ang tono ng pananalita ko ay katulad ng isang babaeng may buwanang dalaw. Hindi ko alam basta ayaw kong kinakausap ako ng ibang tao. Napaka-introvert ko. Sobra. May kaibigan ako pero bilang lang. Friendly kaya ako.
"Sungit", sabi n'ya sabay pisil sa matangos kong ilong. Nanggigil pa.
"Araaaay!", napasigaw ako. Walastik, nasa library nga pala kami. Pasimple, nagmasid ako. Ayun, lahat nakatingin na sa 'min kasama ang librarian. Nakataas ang kilay. Nararamdaman ko ang nag-aalab n'yang chakra. Yung parang kay naruto 'pag lumalabas yung halimaw sa kanyang katawan. Dahil doon, napagdesisyunan ko nang umalis pero bilang ganti, kay (ano nga bang pangalan nito?) ako bumawi ng mas masamang tingin. Tipong, mamaya-ka-sa-akin-paglabas-natin look.
"That was awesome!", may galak at excitement sa tinig n'ya. Parang any moment, magpapa-party na s'ya.
"Kasalanan mo 'to eh!"
"Ano namang ginawa ko?"
"Pisilin mo ba naman ang ilong ko, ang tangos pa naman nito", akala mo ay close tayo? Hay naku. Ni hindi ko nga alam ang pangalan mo eh.
"Sorry naman, natuwa akong pisilin ang ilong mo", tawa ng malakas ang kasunod noon.
"Puwede bang layuan mo na ako? Ni hindi ko nga alam kung sino ka ba?"
"Ay, Eli. Ako nga pala si Jane. Taga-kabilang section", inilahad n'ya 'yung kamay nya para makipagkilala.
Malaking question mark (?) ang nakikita ko ngayon. Anong dahilan bakit n'ya ako gustong makilala?
A) May pagnanasa talaga s'ya sa akin katulad ng hinala ko. Teka, bukod sa kasong rape, ano pa ba ang pwede kong ihablang kaso?
B) Killer talaga s'ya at may nais na ipapatay ako. Ang hirap talagang maging gwapo, ang daming naiinggit. Utang na loob naman po sa naghire sa'yo, NGSB ako. Ayaw ko pong mamatay ng SINGLE.
C) May gusto 'to sa akin at hindi na nakaligtas sa charm ko. Ang gwapo ko talaga. (Hay, kailan kaya may pupuri at magsasabi sa 'kin na ang pogi-pogi ko? Bukod sa nanay ko.)
"Pinagtitripan mo ba 'ko?", hindi ko inaabot yung kamay ko. Suplado ang gwapo.
S'ya na ang humila sa kamay ko.
"Arte nito. Akala mo gwapo.", shake hands kami.
Ouch! Tinamaan ang ego ko 'dun ah? Speaking of ego, isa sa mga napupuna kong malaking dahilan ng pagbe-break ng isang relasyon ay ang napakataas na EGO. Mahirap 'yang lunukin. Lalo sa lalaki. Apakan mo na ang lahat 'wag lang ang pride. Sa madaling sabi, ang kanyang pagkalalaki. Tingin ko lang, walang pinatutunguhan ang matataas at mapride na tao. Maraming naaagaw na kasiyahan ang pride. Kaya 'pag mahal mo ang isang tao, bukod sa lahat ng bagay na puwedeng ibaba, pride na muna.
"Binilin ka kasi ni Tita Marie na bantayan daw kita. So, don't assume anything."
Basag ako. Six points.
Nakakunot ang noo ko habang pinagmamasdan ko si Jane "daw". Wala naman akong pinsang Jane sa pagkakatanda ko. Wala din naman kaming family friend na "Jane".
"Paano mo nakilala ang nanay ko?"
"Hay naku, Eli. Kapit-bahay mo ako. Hello. Lagi kaya akong nagpupunta sa bahay n'yo"
Napataas ang kilay ko. Kailan kami nagkaroon ng kapit-bahay na Jane? Siguro nga kapit-bahay ko 'to. Maingay at mahilig manghimasok ng buhay ng iba.
"At kailan mo pa naging trabaho ang maging concern sa ibang tao?". Hindi ko alam kung concern ba talaga ang tamang term 'dun o pagiging tsismosa. Yung sayang-saya silang pag-usapan ang buhay ng iba.
Madaming nabubuhay na gan'yan sa mundo. Walang ibang gawin kung hindi magmagaling ng kamalian ng iba. Perpekto ang tingin ng ganitong tao sa kanilang sarili. Na mas alam nila ang tamang gagawin kaysa sa taong pinag-uusapan nila. Sabagay nga naman, mas masarap pag-usapan ang mga buhay ng ibang tao. Yung tipong ibibida mo pa ang mga pangit na mga kaganapan sa kan'yang buhay. Ang totoo naman talaga ay hindi ka concern sa kan'ya. Nasisisiyahan ka lang na nakikita ang mga kamalian n'ya. Katulad ng mga isyung showbiz. Mga isyung kinasasangkutan ng mga idolo nating mga artista. Lahat ng maaaring isyu na maaaring pag-usapan ay pag-uusapan. Halimbawa, "Chiz Anino, nagpagupit ng kan'yang buhok" na sa totoo lang ay wala namang kasense-sense pang pag-usapan. "Ang Kutis, napa-utot habang kumakanta". Duh? Kailangan pa bang isa-publiko ang ganoong mga pangyayari sa buhay nila. Normal lang naman na nagpapagupit at umu-utot ang isang tao. Bakit kailangan pang palakihin ang isyu? Tsk. Pero balita ko, sumuko na sa pulisya itong si Deniece? Naku, ako nga'y i-update n'yo. Wala kasi akong tv sa boarding house. Follow ko twitter n'yo. Follow n'yo rin ako, "@juanmanunulat". Twit-twit tayo, ha?
"Hoy, hindi ako ang nagsabing kaibiganin ka, no? `Yung nanay mo. Sabi n'ya kasi ay kakaunti lang ang ipinakikilala mong kaibigan sa kan'ya. Ilan lang din daw ang pumupunta sa bahay. Usually, pupunta `dun para gumawa ng group projects. Kailan daw ba may pupunta `dun sa in'yo na tipong para makipagkuwentuhan lang sa'yo?"
"Oh tapos? Ano pa ba ang-----"
Napatigil ako. At talaga namang tumigil ang mundo ko ng makita ko ang babaeng pinapangarap ko. Ang babaeng tinitibok ng puso ko. Ang babaeng matagal ko nang sinisilayan at nais na ligawan. Yung "The One". Kaya nga lang, torpe nga ako. Wala na lang akong ibang ginawa kung hindi ang mag-imagine na "Kami". Na mayroon akong lovestory at s'ya ang leading lady. Pero sa tingin ko, hanggang pangarap na lang ang lahat ng iyon. Hanggang nakaw- tingin na lang ang kaya kong gawin. Hay, Vickie.
Sh*t, dumaan s'ya sa harapan ko. Ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko. Yung tiyan ko, parang may mga bulateng nagwawala. Mamatay na `ata ako eh? Sh*t talaga, Ah hindi, natatae lang ako.
"Hoy, tulala ka na naman", sita sa akin ni Jane. "With matching titig ka pa kay Vickie, ah?", makahulugan na naman s'yang tumingin sa akin. Patay.
"H-hoy, k-kung ano man ang iniisip mo hindi `yan totoo", para akong baliw na nagpapaliwanag sa kan'ya kahit hindi naman dapat ipaliwanag.
"Ah suuuuus!", may halong pang-aasar yung salita n'ya. Parang kinikilig. Hindi ko alam kung bakit mas unang kinikilig ang ibang tao kaysa sa'yo? Lalo pa nga sa mga katulad kong hindi pa talaga nakakaranas magkaroon ng kasintahan (come on, kasintahan). Siguro, mas interesting na malaman ang kaganapan ng mga taong walang lovelife kaysa sa mga papalit-palit ng kanilang lovelife. Balik nga tayo sa mga kaibigan mong unang kinikilig sa buhay pag-ibig mo. Bakit nga ba sila kinikilig? Sadya lang bang susulero't sulsulera ang role ng iyong kaibigan? Kung ako ang 'yong tatanungin ay hindi kita masasagot. Tanong mo na lang sa kaibigan mo? Kasi kapag naman ikaw ang unang nasaktan bunga ng iyong lovelife, s'ya rin naman ang unang nagagalit. Quits lang. Ibig sabihin lang, tunay s'yang kaibigan. Kapag hindi na n'ya kinakamusta ang lovelife mo, naku kabahan ka na. Baka na-Nicole ka na! (Si Nicole ay isang karakter sa isang teleserye. S'ya ay isang suluterang kaibigan. 'Wag syang tularan). Kaya ang tunay na kaibigan, SULSULERA..
"Wala akong gusto sa kan'ya, ano?", pak en teyp.
"May sinabi ba 'ko na may gusto ka sa kan'ya?", ngingisi-ngisi s'ya. Yung may pang-aasar. Nakakainis. "Nahuhuli ka tuloy", tapos tawa sya ng tawa. "Oh, s'ya, dito ka na at dito na ako", itinuro n'ya yung boarding house ko at boarding house niya? "Sige, bukas na lang ulit!", nagwave na s'ya ng kamay. Hindi kaya talagang stalker ko 'to at sinusundan n'ya ako. Mas weird pa ang pangyayaring 'to sa utak na mayroon ako. At bago s'ya tuluyang makapasok sa loob, sumulyap at ngumiti muna s'ya sa 'kin, at muling nagpaalam sa pamamagitan ng pagwe-wave ng kamay. Ako, ayun ngumiti rin at di sinasadyang napaba-bye rin. Matagal bago ko narealize kung gaano ako nadala nitong ni Jane. Nag-wow yung bibig n'ya siguro dala ng pagkabigla. Tumalikod agad ako at lihim akong napangiti. Wow, ano 'yun Eli? Tsk.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento