The most epical fail of Mr. Torpedo
Sabado.
Malayo pa lang ay nababanaag ko na ang kasiyahan sa mukha nina Jane ng magkita kami sa 7-Eleven. Maganda sila pareho ngayon, hindi ko 'yon maitatanggi. Wala akong masabi sa kanilang dalawa sapagkat sa totoo lang ay magkaiba naman sila. Matapang si Jane at mahinhin si Vickie. Masaydo na din akong babaero sa tagpong ito.
Sa ngayon ay wala pa kaming plano ni Pete dahil sila naman talaga ang unang nagplano ng "date" na 'to. Hindi ko mapredict kung ano ang kahihinatnan ng kwentong binubuo ko. Ako, si Jane at si Vickie. Wala sa plano ko ang mapansin si Jane. Wala sa plano ko ang ganitong sitwasyon. Wala.
Mahirap sa parte ko ang ganito kagulong buhay-paig-ibig. Alam mo 'yun? Yung ginugulpi ka ng magulo mong utak at sinasabi n'yang ang gago-gago mo para malito sa nararamdaman mo. Ilang araw pa lang naman kaming nagkakasama ni Jane (bihira pa kung tututuusin) samantalang si Vickie ay matagal ko ng gusto pero sa nararamdaman ko ay mayroong mas matimbang. Si Jane. Normal ba 'yun na ilang araw mo pa lang s'yang kakilala ay nagkakagusto ka na? Ang dami-dami kong alam sa buhay pero hindi ko alam kapag ganito na ang sitwasyon. Nabobobo ako. Nakakainis.
Tumama ang tingin ko sa mga mata ni Jane. I felt that something was bothering her. English 'yun ah? Masaya s'ya, hindi naman kaila 'yun pero hindi rin naman kaila na mayroon din s'yang dinidibdib na mabigat na bagay. Gusto kong itanong pero natatakot akong baka hindi naman s'ya mag-open sa akin kasi hindi naman kami close. Nakita n'yo namang pagnagkakasama kami sa isang lugar ay hindi maaaring hindi kami magkaroon ng bangayan.
"Gusto mo s'ya ano?", si Pete na naman. Bakit ba magka-ugali sila ni Jane? Pakialamero sa nararamdaman ng ibang tao? Na s'yang nagustuhan ko sa kan'ya.
Hindi ko sinagot 'yung tanong n'ya. Pumunta na lang ako kay Vickie para maiwasan ang mala-Boy Abunda kong kaibigan. Nakakatawa dahil hindi naman ako dating ganito. Ang problema ko lang naman dati ay kung paano matapos ang pagiging "single" forever pero hindi ko naman inakala na aabot ako sa ganitong punto na nagiging dalawa ang nagugustuhan ko. Wala pang "kami" pero hindi ko na ma-handle. Paano pa kung maganap ang mga bagay na ganoon? Paano? Ha? Paano? (with intense feeling just like the dramas we were watching every night).
"Sabagay, hindi lahat ng bagay kailangang manggaling sa bibig ng isang tao, minsan nga pala, ipinapakita na ng kilos", pasaring ni Pete. Problema nito? Hindi ko naman ginusto 'to Pete. Sa totoo lang, gusto kong magkatuluyan kayo ni Jane at isa pa, malabong magkagusto rin naman s'ya sa akin. Bakit ba kasi lovelife ang napakapangkaraniwang problema ng tao. May solusyon pero mahirap sundin. Mahirap gawin kasi alam mong sa kahit anong piliin mo, may masasaktan. Kung hindi s'ya, ikaw!
"Saan tayo?", tanong sa akin ni Vickie. Malay ko naman? Sino bang nagplano nito? Di ba kayo? Tapos ngayon, tatanungin n'yo ako? What the--. Pero syempre, hindi ko naman 'yun sasabihin dahil gusto ko ng dagdagan ang pagiging gentleman ko sa katawan.
"Kayo bahala!", sabi ni Pete. "Kayo na lang magdecide"
Sumimangot si Jane.
"Hindi ba kayo ang lalaki, dapat kayo ang magdecide"
"Eh, hindi nga ba, ikaw ang nag-plano nito? Kailangan ba na laging lalaki ang mag-iisip?", sagot ko. Natutuwa ako kapag naiinis s'ya. Doon ko mas nakikita kung gaano s'ya kaganda.
"Syempre, alangan namang kami pa ang mag-isip?", she roll her eyes. "Gosh!"
"Plano ka pala ng plano tapos wala ka palang ideya kung saan tayo pupunta?"
"Kaya ko nga po sinabi sa in'yo ng maaga para kayo na ang makapag-isip, di ba T'saka, FYI plano 'to ni Vickie at hindi sa akin"
"Kasalanan pala namin ni Pete?"
"What-evah", rolling eyes again.
"Oh, tama na. Tama na! Baka kung saan pa 'to abutin ang usapang ito. Away ng away tapos kayo pa ang magkatuluyan!", tumingin s'ya sa akin then kay Jane. Si Vickie, natawa lang.
Si Jane, pinandilatan si Pete. Say-it-again-and-you're-dead look. Cute!
"Tama na nga 'yan", si Vickie. "Manood na lang tayo ng movie, okay!"
Movie. Yes. Pero, what kind of movie? What kind of movie. Sa akin kasi, mas gusto kong mga horror or inspirational movies. 'Yung may goosebumps. Pero hindi ngayon pwedeng humirit ng ganoong klase ng movie. Maganda 'yun kasi tsansing (evil laugh) pero malamang, pipiliin nila ang mga lovestory! Okay naman 'yun sa akin. Syempre, kiligan ang mga trip nito nila, eh!
"Mukhang may bagong movie ngayon sa sinehan. 'Yun na lang kaya ang panoorin natin?", tapos nagpunta na kaming sinehan.
Lovestory.
Ang puwesto namin, si Pete, si Jane, Ako at si Vickie. Buwisit talaga. Nanadya talaga tong si Pete, eh. Talagang pinagitna ako doon sa dalawa.
Okay naman. Nakakakilig naman yung palabas. Hindi boring. Pero mas nakakalig na magkasama kami ni Jane este ni Vickie pala. Nakahilig s'ya sa akin. Parang "Kami" kung titingnan mo. Magkahawak-kamay, nakasandal s'ya sa akin. Ano ba ang tawag sa ganitong landian este relasyon pala? M.U.? Sucks!
Halos isa't kalahating oras din 'yung palabas. Nang makalabas na kami, nagpaalam sandali si Pete. Sandali lang daw siya. Siguro, mga sampung minuto na ang nakalipas.. Napipikon na nga ako. Ba-eh, kanina pa 'yun ah?
"Hey guys, I think, I have to go..", si Vickie naman ang nag-paalam. May emergency daw? Mukhang totoo naman kasi kanina pa s'ya pasulyap-sulyap ng tingin sa kan'yang Iphone. Hindi na ako nagtanong.
"Eh, di uuwi na din ako", sabi ni Jane. "Alangan namang ako lang mag-isang babae?"
Teka, kailan pa 'to na-conscious na may kasama s'yang lalaki? Eh samantalang dati naman, wala s'yang paki kung kasama n'ya kami ni Pete?
"Naku Jane, 'wag na! Samahan mo na lang 'tong sina Eli, okay?", tapos ayun umalis na si Vickie.
"Oh, nasaan na daw si Pete? Kanina pa 'yun, ah?", tanong n'ya sa akin. Nasa food court na kami. Hindi ko nga din alam kung nasaan na ba s'ya. Hindi naman kasi sa amin nagpaalam.
"Tawagan mo na kaya?"
Tae, wala nga akong load eh. Tapos, pinatatawagan mo pa sa akin.
"Dude, wala akong load!"
Nagpa-ikot s'ya ng mata. Meaning, napipikon s'ya.
Maya-maya, nagvibrate ang cellphone ko. Binuksan ko, si Pete.
'Brad, uwi n mna aq. My lbm ata aq. Ge'
Pinabasa ko kay Jane 'yung text. Naiinis 'yung mga tingin n'ya sa screen ng cellphone ko. "Ano ba 'yan? Jusko naman. Sa dinami-dami pa ng araw, bakit ngayon pa nagkandaleche-leche 'tong plano ko?"
Naguluhan ako sa sinabi n'ya.
Plano? Anong plano?
"Anong sinasabi mong plano?", tanong ko sa kan'ya.
"'Yung plano? "yung plano ko sa in'yo ni Vickie. May gas, Eli! Hindi nga ba't kaya tayo nagpapakaganito eh dahil gusto nating magganap ang lovestory nyong dalawa?"
Hindi ako nagsalita.
Manhid ba talaga itong si Jane? Bakit parang hindi n'ya nararamdaman na hindi na talaga si Vickie 'yung nagugustuhan ko?
"Oh, natahimik ka?", puna sa akin ni Jane.
"Kasi..."
"Kasi, ano?"
"Kasi..."
Nag-aantay si Jane. Nag-aantay s'ya sa mga sasabihin ko.
10 minutes ang lumipas at wala talagang lumabas sa bibig ko.
"Naku, naku.. Tayo na ngang umalis dito", yaya n'ya sa akin.
Sumunod naman ako.
Kailangan ng matapos ang kahibangang ito.
Hindi bukas, hindi sa isang araw kung hindi ngayon na.
Nasa escalator na kami ng kumawala ako sa pagiging torpe.
"Jane.. Ikaw na kasi ang mahal ko!", Yown, Panis! Nakatingin sa amin ang tao. Mukhang napalakas na naman ang mga sinabi ko. Buwisit!
Si Jane, nanalaki ang mga mata.
Ang mga tao, nakanganga.
Hindi sumagot si Jane sa halip ay nagmamadaling bumaba. Hindi na inantay ang pagbaba ng escalator step.
Ako nakatanga.
Ang mga tao naman sabay-sabay ang bigkas sa malungkot na tono ng "Ahhhhhhhhhhhhh".
Epic talaga ako kahit kailan.
Hinabol ko s'ya.
Sayang, nasabi ko na.
Wala ng atrasan pa!
(Rhyme na rhyme, ah?)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento